Ngayong Linggo ng Kabataan, ating kinikilala ang malaking ambag ng mga kabataan sa kaunlaran ng bansa.
Sa mahabang panahon na ako ay naglingkod sa publiko, isa sa aking prayoridad ang pagsulong ng mga karapatan ng mga kabataan na mas lalo nilang malinang ang kanilang kakayahan, mamuhay ng walang takot, at malayang maipahayag ang kanilang mga saloobin.
Sa linggong ito, nananawagan ako na patuloy nating pangalagaan, igalang at isulong ang mga karapatan ng mga kabataang Pilipino. Gawin sana natin ang lahat ng ating makakaya upang maitaguyod natin ang isang bansang karapat-dapat na maipamana sa mga kabataan, nang maisakatuparan natin ang mga kataga ni Rizal na kabataan ang pag-asa ng bayan!